^

Metro

Reporter ng Phil. Star, nilooban

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalimas ang aabot sa P120,000 halaga ng pera at gamit ng isang reporter ng pahayagang broadsheet matapos na pasukin ng magnanakaw ang kanyang tinu­tuluyang unit sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Jaime Laude, 52, reporter ng Philippine Star at residente sa Simon St., corner Iriga St., Brgy. San Isidro, La Loma sa lungsod.

Ang nasabing pagna­nakaw ay nadiskubre ng anak ni Jaime na si Paulo, sa may ikatlong palapag ng Unit D, ng nasabing lugar, ganap na alas-7 ng gabi.

Natangay sa biktima ang perang nagkakahalaga ng P7,000, isang macbookpro P76,000; isang Sony camera P36,000; at isang pouch bag P500.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang nasabing panloloob nang pagpasok ni Paulo ay nakita nitong nakatungkab ang padlock ng pinto. Dahil dito, agad na pumasok sa loob ng unit si Paulo kung saan nito nadiskubreng nawawala ang nasabing mga gamit.

Agad na ipinagbigay-alam ni Paulo ang insidente sa kanyang tatay, na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.

 

vuukle comment

BRGY

DAHIL

IRIGA ST.

JAIME LAUDE

LA LOMA

PAULO

PHILIPPINE STAR

SAN ISIDRO

SIMON ST.

UNIT D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with