^

Metro

S’yota tinodas sa daan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae ang pinagbabaril hanggang sa ma­patay ng kanyang nobyo kahapon ng madaling-araw sa Pandacan, Maynila.

Inilarawan ang bik­tima na nasa pagitan ng 30-35-anyos, may taas na 5’, nakasuot ng green na t-shirt, itim na pantalon at isang sapatos na na­iwan sa kanyang kaliwang paa.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na inilarawan na may edad sa pagitan ng 30-35, may taas na 5’6’’ hanggang 5’7’’, naka­suot ng bull cap at itim na jacket na tumakas ma­tapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Ro­delio Lingcong ng MPD-Homicide section, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa Kahilum St., Pandacan, Maynila.

Nauna rito, magka­angkas ang biktima at suspect sa isang motorsiklo at pagdating sa harapan ng nasabing bahay ay tumigil ang mga ito at dito narinig ang pagtatalo.

Ilang sandali  pa ay niyakap ng suspect ang biktima at walang sabi-sabing binaril ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may tama ng bala ang biktima sa kanyang leeg malapit na kanyang bunganga na tumagos sa kanyang ulo palabas sa kanang tenga.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ILANG

INILARAWAN

ISANG

KAHILUM ST.

LINGCONG

MAYNILA

PANDACAN

SHY

ST. YVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with