15-anyos lasog sa truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang 15-anyos na binatilyo nang ma­bundol at magulungan ng truck habang nagbibisekleta sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nasawi sanhi ng matinding pinsala sa ulo si Razzel Dizon, ng San Agustine Village, Brgy. Ma­pu­lang Lupa ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ang driver ng truck (WBC-603) na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa pagsisiyasat ng Valenzuela City Police, Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa Apolinaria St., ng nabanggit na lungsod.

Nagbibisekleta ang biktima hanggang sa mag-overtake ito sa truck. Paglagpas ng binatilyo ay na-cut ang truck na hindi na nakaiwas na mabangga at magulungan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments