^

Metro

Manhunt vs nambugbog sa PTV 4 news team

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inutos ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang manhunt operation laban sa grupo ng mga lasing na sinasabing nambugbog sa newsteam ng PTV 4 kamakalawa sa Sta. Mesa, Manila.

Ang kautusan ay inilabas ni Lim matapos na humi­ngi ng tulong ang betera­nong reporter na si Noel Perfecto at cameraman nito na si Larry Doon makaraang bugbugin ang kanilang mga kasamahang reporter na si Bernard Tan at cameraman nito na si Dante Morada.

Sa pahayag ni Perfecto, ala-1:30 ng madaling-araw nang mapadaan ang crew ni Tan sa Sta. Mesa, Maynila sa panulukan ng Valenzuela at V. Mapa Sts. nang isang lalaki ang humarang.

Minabuti ni Morada na huminto upang makatawid ang lalaki subalit bigla na lamang nitong hinataw ang  hood ng sasakyan ng mga biktima. Tinignan ni Morada ang hood nang isang lalaki pa ang biglang sumuntok sa kanya.

Dahil dito, minabuti ni Tan na awatin ang pambubugbog ng mga suspect kay Morada subalit siya rin ay inatake ng mga ito.

Bunsod nito, agad namang pumasok sa sasakyan sina Tan at Morada subalit binasag din ng mga suspect ang salamin ng kanilang sasakyan.

BERNARD TAN

BUNSOD

DAHIL

DANTE MORADA

INUTOS

LARRY DOON

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAPA STS

NOEL PERFECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with