^

Metro

3 pulis 'protektor' ng mga holdaper, dinisarmahan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dinisarmahan at inirekomendang sumailalim sa summary dismissal ang tatlong tauhan ng Pasay City Police na inaku­sahan ng isang ginang na mga protektor umano ng mga holdaper na nambiktima sa kanya sa naturang lungsod.

Kinilala ni NCRPO director, Chief Supt. Leonardo Espina ang mga pulis na sina PO2 Teodoro Morales, PO2 Ralph Boco, at PO1 Marte Ray Quezon.

Sa reklamo ni Nerissa Guirao laban sa tatlong pulis, sinabi nito na hinoldap siya ng tatlong lalaki sa may Maricaban, Pasay nitong nakaraang Setyembre 24 dakong alas-8:30 ng gabi. Tinangay ng salarin ang pera niyang P25,000 kasama ang wallet niya na naglalaman ng iba’t ibang cards.

Agad na humingi ng saklolo ang biktima sa tatlong nabanggit na pulis na nagpapatrulya sa naturang lugar. Pinasakay pa umano siya ng mga pulis sa mobile patrol at hiniling na puntahan ang lugar kung saan siya hinoldap.

Dito umano nila nakita ang isa sa mga suspek at agad na itinuro ni Guirao. Sa pagtataka niya, lumapit pa sa patrol car ang sinasabi niyang holdaper at may iniabot umanong kuwintas sa mga pulis saka umalis. Nang sabihin niya na iyon ang holdaper na nambiktima sa kanya, sinabihan umano siya ng mga pulis na baka napagkakamalan lamang niya ito at hinayaan ang salarin na makaalis. Muli namang nagtungo si Guirao sa Maricaban Police Community Precint upang iulat ang insidente kung saan nakita niya ang tatlong holdaper kasama umano ang tatlong pulis. Hindi na itinuloy ni Guirao ang pag-uulat ng nangyaring panghoholdap sa kanya at sa halip ay dumiretso sa NCRPO kung saan kinasuhan ang tatlong pulis.

Ipinapasailalim naman sa imbestigasyon ni Espina ang na­turang tatlong pulis at pinagbibigay ng kanilang paliwanag sa naturang sumbong.

CHIEF SUPT

GUIRAO

LEONARDO ESPINA

MARICABAN POLICE COMMUNITY PRECINT

MARTE RAY QUEZON

NERISSA GUIRAO

PASAY CITY POLICE

PULIS

TATLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with