Med rep sumingit sa convoy ni PNoy, inaresto
MANILA, Philippines - Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang medical representative na nagtangkang sumingit sa convoy ni Pangulong Noynoy Aquino sa tulay ng Nagtahan, Maynila.
Kabilang sa mga asuntong haharapin ni Marki Jason Hanopol, 24, ay reckless driving at driving under influence of liquor, bunsod nang ginawang pakikipagkarera pa sa Presidential Security Group bandang alas-2:00 ng madaling-araw kahapon.
Nabatid na tinangka pang pahintuin ng PSG si Hanopol habang pinasisibad ang kanyang kotse (XMN 769) matapos dikitan ang presidential car ni Pangulong Aquino ngunit sa halip na tumigil ay nagtuluy-tuloy pa rin hanggang makababa ng Nagtahan Bridge.
Si Hanopol ay inilagay na sa pangangalaga ng Manila Police District Station 10 kung saan siya ay isinailalim sa medical examination at napatunayang lasing sa alak.
- Latest
- Trending