^

Metro

Helper biktima ng thrill-killer

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang helper makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salaring nangursunada sa kanya sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Maynard Dayog, 18, taga-Brgy. Commonwealth Quezon sa lungsod.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na nangyari ang insi­dente sa may harap ng Litex Daycare Center sa may Pa­yatas Road, ganap na ala-1:40 ng madaling-araw.

Bago ang insidente, nag­lalakad umano ang biktima kasama ang girlfriend na si Ladylyn Concordia at kaibi­gang si Dennilyn Gonzaga sa lugar nang lapitan ng tatlong hindi nakikilalang lalaki at biglang hinamon ng suntukan ang una.

Dahil dito, nagpasya ang tatlo na tumakbo na lamang para makaiwas sa gulo, pero hinabol si Dayog ng tat­long suspect.

Ayon kay Concordia, ha­bang hinahabol ang biktima ng mga suspect, napansin niya ang hindi hihigit sa anim na barangay tanod na lumabas sa Commonwealth Barangay Hall Annex na diumano’y pinigilan sa pagtakbo ang biktima.

Ilang sandali, narinig na lamang umano ni Concordia ang magkasunod na putok ng baril mula sa kung saan, hanggang sa bumagsak ang biktima sa kalye.

Sa nasabing mga putok ay biglang nagsipagbalikan sa loob ng barangay hall ang mga tanod, habang ang biktima ay isinugod naman sa Fairview General Hospital ngunit idineklara ding dead-on-arrival.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa dibdib at balikat na siyang ikinamatay nito. Narekober naman sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre 45 baril na ginamit sa krimen. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing in­si­dente upang matukoy ang mga salarin.

vuukle comment

AYON

COMMONWEALTH BARANGAY HALL ANNEX

COMMONWEALTH QUEZON

CONCORDIA

DENNILYN GONZAGA

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

LADYLYN CONCORDIA

LITEX DAYCARE CENTER

MAYNARD DAYOG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with