1 natimbog, 1 nadedbol: Pagpatay ng tandem sa MPD cop, lutas na
MANILA, Philippines - Lutas na ang kasong pamamamaril at pagpatay ng riding in tandem sa isang miyembro ng Manila Police District na sumita sa kanila noong Sabado ng madaling araw, sa Ermita, Maynila.
Ito’y matapos ang follow-up operation ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU), kung saan naaresto ang isa sa suspect na kinilalang si Antonio Lalu, alyas Tony, 45, ng Tondo, Manila na kasalukuyang nakapiit sa MPD-Homicide Section.
Nabatid na isang informer ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya tungkol sa kinaroroonan ng suspect na naglungga sa ilalim ng tulay ng Delpan sa Tondo.
Mabilis naman ang pagkaaresto sa suspect na nakuhanan pa ng isang kulay green na bag na naglalaman ng iba’t ibang bala, cellphone, cellphone charger at iba pang mga kagamitan at isang kulay itim na 125 Honda Wave na walang plaka.
Naging susi din si Flores para matunton ang kasama nitong suspect na si Florencio Geavican, 35, ng Quezon City na natuklasang patay na at nakaburol sa St. James Chapel sa Sumulong Highway sa Antipolo City na una na ring ginamot sa Ospital ng Marikina, sa Marikina City, matapos doon ipagamot upang makaiwas sa mga pulis.
Si Flores at Geavican ang rumatrat at nakapatay kay PO1 Ryan Bagadiong, nakatalaga sa Pedro Gil-PCP sakop ng MPD-Ermita Police Station 5 at residente ng Antonio Rivera St., Tondo.
Matatandaang si PO3 Bagadiong ay nagtamo ng sampung bala sa katawan at tinangayan pa ng service firearm at motorsiklo ng dalawang suspect na kaniyang sinita sa panulukan ng UN Ave at M.H del Pilar St., sa Ermita alas-5 ng madaling-araw noong Sabado.
Bagama’t sugatan, nakapagpaputok pa si Bagadiong na ikinatama sa isa sa mga suspect na ito nga si Geavican.
- Latest
- Trending