^

Metro

Hindi na mahal ng gf,waiter nagbigti

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na hindi na siya mahal ng nobya ang nagtulak sa isang waiter para tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon, kahapon.

Si John Michael Madrilejos, 25, ay nagawa pang maisugod sa ospital ng kanyang mga kasamahan matapos magbigti sa sarili subalit hindi na rin umabot­ pa ng buhay.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, nangyari ang insi­dente sa RP bar sa Quirino Highway sa Brgy. Gulod, Nova­liches, alas-4 ng madaling-araw.

Bago ang insidente, ang biktima at ilang kasamahang waiter ay nag-iinuman sa nasabing bar.

Ilang sandali pa, tinanong ng biktima ang kanyang girlfriend na nakilalang si Janica­ kung mahal pa siya nito. Sumagot naman ang babae na hindi na siya mahal, hanggang sa tumayo ang biktima at pumasok sa kuwarto.

Hindi na lumabas ang biktima kaya nagpasya si Janica na sundan ang una sa kuwarto kung saan pagpasok niya sa loob ay tumambad sa kanyang harapan ang nakabigting ka­tawan nito sa kisame.

Agad na humingi ng tulong si Janica sa mga kasamahan at kinalas ang biktima sa pagkakabitin saka itinakbo sa Nova District Hospital pero idineklara rin itong dead-on- arrival.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

DAHIL

GULOD

ILANG

JANICA

NOVA DISTRICT HOSPITAL

QUIRINO HIGHWAY

SI JOHN MICHAEL MADRILEJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with