Truck vs multicab: 7 katao sugatan

MANILA, Philippines -  Sugatan ang pito katao kabilang ang isang buntis makaraang salpukin ang kanilang sinasakyang multicab ng isang cargo truck sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga biktima na sina Janice Cayabyab, 35; Letty Torres, 34, tatlong-buwan buntis; Nelly Bermundo, 29; Gerald Eugenio, 25; Frecila Jean dela Paz, 20; at ang magkapatid na sina Ines at Merva Amoroza.

Sa pagsisiyasat ng Pasay City Traffic Bureau, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue sa panulukan ng Roxas Blvd. ng nasabing lungsod. Lumabas sa report, kasalukuyan binabagtas ni Sandy Marquez, 33, driver ng multicab (TYG-926) ang naturang lugar­ at pasahero nang bigla magpreno ito hanggang sa sumalpok sa parating na Isuzu Elf (WNR-988) na minamaneho ni Nestor Garcia.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima. Kapwa sumuko naman sa mga awtoridad sina Garcia at Marquez habang iniimbestigahan ang mga ito ng mga pulis.

Show comments