^

Metro

Ancar chief ng MPD, sinibak ni Lim

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makaraang mabigo na sugpuin at umano’y ma­nguna ang Maynila sa mga lungsod sa kaso ng carnapping, sinibak ni Manila Mayor Alfredo Lim ang hepe ng Anti-Carnapping ng Manila Police District (MPD) kahapon.

Ang sinibak ay si Chief Inspector Ariel Caramoan.

Ayon kay Lim magsa­sagawa siya ng balasahan ng mga station commander at maging hepe ng mga division dahil hindi umano siya kuntento sa mga ginagawa ng mga opisyal.

Ayon kay Lim, kailangan na pagtuunan ng pansin ng mga kapulisan ang iba’t ibang uri ng kriminalidad upang mabigyan ng pro­teksiyon ang publiko.

Sa kaso naman ng pana­naksak sa UST student, inatasan din ni Lim si Supt. James Afalla, hepe ng MPD Station 4 na ares­tuhin at sampahan ng kaukulang kaso ang anim na FEU students na sumaksak dito sa loob ng FEU campus.

Samantala, pinuri na­man­ ni Lim ang ginawang pagdakip ni Manila Department of Social Welfare, head Jay R. dela Fuente sa mga solvent boys sa pa­ligid ng Blumentritt.

AYON

CHIEF INSPECTOR ARIEL CARAMOAN

JAMES AFALLA

JAY R

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with