2 patay sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki nang pagbabarilin ito ng riding-in-tandem kahapon sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Isaac Rondan, 48, habang hindi na umabot ng buhay sa San Lorenzo Clinic sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Ruel Lopez, 36, kapwa ng Little Baguio, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga ng nabanggit na lugar. Naglalagay ng bakod ang mga biktima sa lupa ng kalugar nila na si Abner Aranais, 71, nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek, na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing in­sidente at ang motibo sa pamamaril.

Show comments