^

Metro

Piloto tumalon sa hotel, lasog

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng Mun­tinlupa City Police kung sadyang nagpakamatay o may naganap na foul play makaraang bumagsak ang isang 30-anyos na lalaki na sinasabing isang commercial pilot buhat sa itaas ng tinutuluyang hotel­, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang nakilalang si Anton Miguel Osmeña, residente ng Alabang Hills, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang makarinig ng malakas na kalabog ang security guard sa ibaba ng Vivere Hotel sa may Bridgeway Avenue, Fil­invest Corporate City, Alabang­.

Nang puntahan, dito nadiskubre ang du­guang bangkay ng biktima.

Sa nakalap sa rekord ng hotel, dakong alas-4 ng madaling-araw nang mag-check-in ang biktima sa isang unit sa ika-29 na pa­lapag. Hindi naman umano tumanggap ng sinumang bisita ang biktima sa na­turang mga oras.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente lalo na’t wala umanong nakitang suicide note sa inokupahan nitong silid.

Ina­alam din ng pulisya kung malapit na kaanak ng bantog na Osmeña clan sa Cebu ang biktima habang nabatid na piloto ito sa nakuhang identification card.

ALABANG

ALABANG HILLS

ANTON MIGUEL OSME

BRIDGEWAY AVENUE

CEBU

CITY POLICE

CORPORATE CITY

INA

SHY

VIVERE HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with