Ret. police utas, parak pa sugatan sa amok na lasing

MANILA, Philippines - Patay ang isang retiradong pulis habang isa pang pulis ang sugatan matapos na pagtatagain sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ng isang lasing sa Maynila. Dead-on-the-spot ang biktimang si ret. police Nerio Vargas, habang sugatan naman­ si PO3 Basilio Ebdane, 44, ng MPD District Support Unit (DHSU). Arestado naman sa follow-up operation ang suspect na si Joseph Bermud, 30, ng Sampaloc, Maynila sa isang follow up operation.

Sa report ni Det. Gerado Rivera ng MPD-Homicide Section, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Cristina St., Sampaloc, Maynila­. Nagkukuwentuhan ang dalawang pulis nang lapitan sila ni Bermud na noon ay lasing at pilit na humihingi ng pera na ipanto­toma ngunit tumang­ging magbigay ang dalawa. Sandaling umalis ang suspect subalit muling bumalik na may bitbit nang itak at walang sabi-sabing pinagtataga ang dalawang pulis.

Bagama’t may taga sa dibdib at braso si Ebdane ay nagawa nitong makatakbo at humingi ng responde.

Nakatakas naman si Bermud subalit dahil sa kala­singan ay nadakip din sa isang follow up operation.

Show comments