^

Metro

Lim, Veloso maghahain ng COC ngayon

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Maghahain ngayong umaga ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) si Manila Mayor Alfredo S. Lim at kanyang vice mayoralty can­­didate na si Councilor Lou Veloso.

Ito naman ang nabatid mula kay chief of staff at media bureau director Ric de Guzman, kung saan kasama nina Lim at Veloso ang 36 kakandidato sa pagkakonsehal mula sa anim na distrito.

Ayon kay de Guzman, dadalo muna sa isang misa ang grupo nina Lim, Veloso at 36 na kandidato sa Freedom Triangle ng Manila City Hall kasunod ng flag-raising ceremony.

Isusumite nina Lim, Veloso at 36 kandida­tong konsehal ang ka­­nilang COC sa Arro­ceros habang ang mga kongre­sista na una nang nag­pakita ng suporta sa alkalde ay kailangan na maghain ng COCs sa Intramuros.

Samantala, sinabi naman ni Lim na malaki ang kanyang tiwala kay Veloso dahil sa malinis na track record nito bilang konsehal bukod pa sa suporta nito sa lahat ng mga programa para sa mahihirap. 

“He is very reliable at marunong tumupad sa sinumpaang tungkulin,” ani Lim. Sinabi naman ni Ve­loso na malaking ka­rangalan na maging runningmate ni Lim na kilala sa pagbibigay ng serbisyo sa Manilenyo.

“Ang kagalingan ng isang tao ay di nasusukat sa ganda ng mukha.  Nawawala din `yan sa paglipas ng panahon. 

Ang mahalaga ay ka­gandahan ng kalooban.  Di `yung nakakasira, na­­kakaperwisyo o nagsa­samantala,” dagdag pa ng alkalde.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COUNCILOR LOU VELOSO

FREEDOM TRIANGLE

GUZMAN

LIM

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

SHY

VELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with