^

Metro

2 patay, 1 pa sugatan sa pananaksak

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay, habang isa pa ang sugatan sa pana­naksak ng dalawang lalaki sa lungsod Quezon, kahapon ng mada­ling-araw. 

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang mga nasawi na sina Leonila Alla Lugan, 43, may-asawa, vendor at Edwin Estacio, 43, habang su­gatan naman ang anak nitong si Mark Julius Estacio, 22.

Natukoy naman ang mga suspect sa mga alyas na Danny at Kim na nga­yon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nangyari ang insidente sa Dinorado St., Sitio Palayan, ganap na alas 12:30 ng madaling-araw.

Nag-ugat ang insi­dente nang makita uma­no ni Edwin ang kan­yang anak na si Mark Julius na na­kiki­pag-sun­tukan sa suspect na si Kim. Hindi naman batid kung ano ang sanhi ng pagsusuntukan ng dalawa.

Dahil dito, tinangkang tulungan ni Edwin ang anak, pero mabilis na nakapasok ng kanyang bahay si Kim.

Sinundan naman ng suspect na si Danny si Mark Julius at pinagsasaksak na nagawa namang makatakas sa kabila ng mga sugat sa katawan.

Samantala, habang pabalik ang suspect na si Danny ay nakita naman nito si Edwin na siya niyang pinagbuntunan ng galit at pinagsasaksak sa buong ka­tawan.

Nakita naman ni Lugan ang insidente at tinangkang awatin si Danny, pero maging siya ay sinaksak din ng huli sa kaliwang balikat, saka tumakas.

Nagawa pang ma­isugod sa Fairview General Hospital ng mga biktima, pero na­matay din sina Edwin at Lugan habang inoobserbahan naman si Mark Julius.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DINORADO ST.

EDWIN

EDWIN ESTACIO

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

LEONILA ALLA LUGAN

LUGAN

MARK JULIUS

MARK JULIUS ESTACIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with