^

Metro

Taxi driver nagpanggap na pulis, timbog sa kotong

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang taxi driver makaraang maaresto ito kasama ang isa pang kasabwat sa isinagawang entrapment operation matapos tangkaing kotongan ang mismong kanyang operator, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Juancho Alano, 44-anyos­, residente ng bayan ng Pateros at ang kasabwat nitong si Ernesto­ Andal.

Sa ulat ng Parañaque City Police, tatlong araw pa lamang na minamaneho ni Alano ang taxi na pag-aari ni Francisco Gatpayat, 32, ng Block 23 Lot 8 Peter St., Annex 35 Brgy. Don Bosco, ng naturang lungsod nang isagawa ang sina­sabing pangingikil.

Sa salaysay ni Gatpayat, tinawagan siya ni Alano na nagpanggap na isang SPO3 Bobis nitong nakaraang Martes at sinabing nakakulong ang kanyang driver dahil sa pagkakasangkot sa isang aksidente.  Dito humingi ang suspek ng P50,000 para mapalaya umano ang kanyang driver at mai-release ang kanyang taxi sa impounding area.

Dito na naghinala si Gatpayat na agad na humingi ng tulong­ sa Don Bosco Police Community Precinct na nagplano ng entrapment operation. Hindi na nakapalag ang kasabwat na si Andal nang arestuhin ng mga pulis sa pinagkasunduang lugar.

Naaresto naman kamakalawa ng hapon sa follow-up operation si Alano makaraang inguso ni Andal ang kanyang pinagtataguan sa Parañaque City.

vuukle comment

ALANO

ANDAL

CITY POLICE

DITO

DON BOSCO

DON BOSCO POLICE COMMUNITY PRECINCT

FRANCISCO GATPAYAT

GATPAYAT

JUANCHO ALANO

PETER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with