^

Metro

Traffic re-routing sa Roxas Blvd. bukas

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Magpapatupad ng traffic re-routing ang Metropolitan Manila­ Development Authority (MMDA) sa darating na Linggo dahil sa inasahang pagbibigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Roxas Boulevard kaugnay ng isasagawang “Takbo Para sa Kapayapaan Fun Run”.

Ang naturang fun run ay inisponsoran ng Philippine Sports Commission at Office of the Presidential Adviser of Peace Process (OPAPP) na gaganapin sa Rizal Park at mag-uumpisa sa Quirino Grandstand.

Isasara ng MMDA ang south-bound lane ng Roxas Boule­vard mula Katigbak hanggang sa EDSA mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga sa darating na Linggo.

Sa ipatutupad na traffic re-routing, lahat ng sasakyan na manggagaling sa norte ng Maynila ay pakakaliwain sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, kanan sa TM Kalaw, kaliwa sa MH del Pilar, kaliwa sa Quirino, kanan sa Mabini o Taft Avenue hanggang sa destinasyon.

Ang mga pa-westbound naman ng Qurino Avenue ay pakakaliwain sa Adriatico, kanan sa P. Ocampo, kaliwa sa FB Harrison hanggang sa destinasyon. Lahat naman ng behikulong pa-westbound ng Gil Puyat ay pakakaliwain sa Macapagal Avenue, kaliwa sa EDSA hanggang destinasyon. 

DEVELOPMENT AUTHORITY

GIL PUYAT

KAPAYAPAAN FUN RUN

LINGGO

MACAPAGAL AVENUE

METROPOLITAN MANILA

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER OF PEACE PROCESS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

QUIRINO GRANDSTAND

QURINO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with