^

Metro

Lider ng drug syndicate, tiklo ng PDEA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Natimbog ng pinagsanib ng puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang lider ng notoryus na drug syndicate at itinuring na no. 2 sa most wanted drug pusher sa Cotabato City matapos isagawa ang pagsalakay sa kanyang lungga rito, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez, Jr., nakilala ang suspect na si Efren Juan, 32, negosyante at lider ng ‘Efren Juan Drug Group’ at Purok 4, Rizal Street, Centro Northeast, Solana, Cagayan.

Si Juan ay naaresto ng tropa ng PDEA Regional Office­ 2 (PDEA RO2) sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin at NBI Cagayan Valley­ Regional Office sa pama­­magitan ng search warrant ganap na alas-9 ng umaga.

Nakumpiska ng mga ahente ng PDEA sa bahay ng suspect ang 26 na piraso ng plastic sachets ng shabu, isang shoulder bag na nagla­laman ng ilang piraso ng plastic sachet na walang laman­, at isang cellular phone na ginagamit nito sa kanyang iligal na transaksyon. 

CAGAYAN VALLEY

CENTRO NORTHEAST

COTABATO CITY

DIRECTOR GENERAL JOSE S

DIRECTOR JUVENAL AZURIN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG GROUP

EFREN JUAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REGIONAL OFFICE

RIZAL STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with