MANILA, Philippines - Dahilan sa pagtataboy sa pamilya ng isang retiradong sundalo na kabilang sa mga illegal settler o mga squatter na nagtayo ng bahay sa loob ng Libingan ng mga Bayani, isang sundalo ang nasugatan matapos itong barilin sa Taguig City nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ni Army Spokesman Major Harold Cabunoc ang nasugatang biktima na si Corporal Felipe Saldivar, tinamaan sa hita matapos na paputukan ng cal. 45 pistol ni ret. Technical Sergeant Proceso Casoy.
Bandang alas-8:45 ng umaga nang magtungo ang grupo ng Philippine Army Task Group Bantay (PATGB) sa pamumuno kasama si Saldivar upang paalisin ang mga illegal settler na kinabibilangan ng pamilya ni Casoy sa Libingan ng mga Bayani.
Nagmatigas umano si Casoy dahilan wala umanong matitirhan ang kanyang pamilya kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ito ng baril at paputukin na tumama sa hita ni Saldivar.