^

Metro

Bus stop sa EDSA hahatiin

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May naisip na namang bagong­ paraan ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) upang pabilisin umano ang daloy ng trapiko sa EDSA sa pama­magitan ng paghahati sa mga bus stop na hihintuan ng mga pampasaherong bus.

Sa naisip na bagong programa, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, ha­hatiin ang mga bus stop para sa Buses A at Buses B.

Ipinaliwanag nito na may dalawang uri ng bus sa EDSA – ang mga may rutang Alabang (Bus A) at may rutang Baclaran­ (Bus B).

Sa kasalukuyan, ma­aring magbaba at magsakay sa lahat ng bus stops ang dalawang uri ng bus sa EDSA. Ngunit sa bagong panukala, itatalaga ang mga bus stop para sa Bus A at ang susunod sa Bus B.

Dito hindi maaaring magbaba ang mga Bus A sa bus stops na para sa mga Bus B.

Tinatayang nasa 3,000 bus ang bumibiyahe sa EDSA kada araw sanhi upang magsiksikan ang mga ito sa mga bus stops na nagiging dahilan rin umano ng pagbubuhol ng daloy ng trapiko. 

Bukod dito, magtatalaga ang MMDA ng ilang por­syento ng bus na maging “all-stop buses” o maaring magbaba at magsakay sa lahat ng bus stops.

ALABANG

BUS

BUS A

BUS B

BUSES A

BUSES B

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with