MANILA, Philippines - sang motorcade protest ang isinagawa ng Taguig Muslim Community sa harap ng embahada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard, Maynila kahapon ng umaga.
Lulan ng mga sasakyan, ang protesta ay paglalahad ng kanilang pagtutol sa pagpapalabas ng kontrobersiyal na pelikulang ‘Innocence of Muslims.’
Lumikha nang bahagyang trapiko ang mga naturang sasakyan na nagpaikut-ikot sa harap ng US Embassy habang dala ang placard na may nakalagay na “Love my Messenger, the Allah”.
Tumagal ng isang oras at kalahati ang pag-ikot ng sasakyan bago tuluyang nilisan ang lugar.
Ang kilos-protesta ay ginawa ng grupo bilang pagkondena sa itinuturing nilang pambabastos sa isang pelikula na ipinalabas sa internet sa kanilang propetang si Mohammad.
Nauna rito, naging malala ang kilos-protesta ng mga Muslim sa Pakistan at maging sa Libya dahil sa nabanggit na pelikula.