^

Metro

Muslim community nag-motorcade protest sa harap ng US embassy

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - sang motorcade protest ang isinagawa ng Taguig Muslim Community sa harap ng embahada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard, Maynila kahapon ng umaga.

Lulan ng mga sasakyan, ang protesta ay paglalahad ng ka­nilang pagtutol sa pagpapalabas ng kontrobersiyal na pelikulang ‘Innocence of Muslims.’

Lumikha nang bahagyang trapiko ang mga naturang sasak­yan na nagpaikut-ikot sa harap ng US Embassy habang dala ang placard na may nakalagay na “Love my Messenger, the Allah”.

Tumagal ng isang oras at kalahati ang pag-ikot ng sa­sakyan bago tuluyang nilisan ang lugar.

Ang kilos-protesta ay ginawa ng grupo bilang pagkondena sa itinuturing nilang pambabastos sa isang pelikula na ipina­labas sa internet sa kanilang propetang si Mohammad.

Nauna rito, naging malala ang kilos-protesta ng mga Muslim sa Pakistan at maging sa Libya dahil sa nabanggit na pelikula.

ESTADOS UNIDOS

INNOCENCE OF MUSLIMS

LULAN

LUMIKHA

MAYNILA

MOHAMMAD

NAUNA

ROXAS BOULEVARD

TAGUIG MUSLIM COMMUNITY

TUMAGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with