Agawan sa pasahero,pedicab driver tinodas

MANILA, Philippines - Hinihinalang pag-aagawan sa pasahero kaya napatay sa saksak ang  isang pedicab driver ng kanyang kapwa driver, sa Sta. Mesa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang si Eduard Gutierrez, 28, pedicab driver, ng NDC Compound Sta. Mesa, Maynila makaraang isugod pa ito sa ospital.        

Kinilala lamang sa alyas na Jeffrey, 26, pedicab driver.ang suspect. Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi  nang maganap ang insidente sa harap ng GSIS Metro Homes, Phase 1, Anonas St., Sta. Mesa,  Maynila.

Show comments