^

Metro

'Philip Salvador'utas sa tandem

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem si Philip Salvador (hindi ang aktor), sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, si Salvador, 35, elec­tri­cian, ay naninirahan sa may Kapiligan St., Brgy. Doña Imelda sa lungsod.

Ang armadong mga sa­larin, na nakasuot ng bonnet, itim na jacket at pantalon ay mabilis na nagsitakas makaraang maitumba na nila ang target.

Sinabi ni Balbuena, na­laman niya buhat sa kapatid na si Salvador ay dati nang na­aresto sa kasong robbery. Kaya naman hinala ng imbestigador na may kinalaman ang nasabing kaso sa pamamaril sa kanya.

Nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, ganap­ na alas-8:45 kama­kalawa ng gabi.

Nakikipag-inuman umano sa kanyang mga kaibigan ang biktima nang huminto ang isang motorsiklo ilang metro ang layo mula sa kanila. Mula rito ay bumaba ang backrider ng motorsiklo at nilapitan ang biktima saka pinagbabaril. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente.

AYON

BALBUENA

BRGY

IMELDA

JULIUS BALBUENA

KAPILIGAN ST.

KASUNDUAN ST.

KAYA

PHILIP SALVADOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with