^

Metro

Sumaklolo sa anak, ama patay sa tarak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 49-anyos na ama, habang saksak sa tiyan at nakaratay pa sa ospital ang tinamo ng anak na babae, nang pagsasaksakin ng nakaalitan sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Zosimo Magura, ng Radium St., San Andres Bukid, na nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib at tiyan.

Nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital ang anak nito na nakilalang si Melissa, 25, na nagtamo ng saksak sa tiyan.

Maging ang suspect na kinilalang si Nelson Navarro, 42, promodizer at kapitbahay ng mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan ay nakaratay din sa nasabing pagamutan.

Bago ang insidente, nag-inuman umano ang mag-amang biktima dakong alas-9:00 ng gabi at nang makita ang live-in partner ng suspect na si Salvacion Peniz ay niyayang uminom.

Nang matapos ang inuman­ ay inihatid na ni Me­lissa si Salvacion sa bahay nito at sinalubong sila ng galit ng suspect. 

Sa kasagsagan ng pagtatalo, naglabas ng kutsilyo ang suspect at inundayan ng saksak sa tiyan si Melissa kaya sumaklolo ang ama at inawat ang suspect hanggang sa siya na ang undayan ng saksak.

Nakatakbo pa si Zosimo sa kabila ng tama at nangmakakuha ng itak sa loob ng kanyang bahay ay ipinangtaga naman sa suspect na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Nang matigil ang gulo, mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima at suspect ngunit hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Zosimo.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

MAYNILA

NANG

NELSON NAVARRO

RADIUM ST.

SALVACION PENIZ

SAN ANDRES BUKID

SUSPECT

ZOSIMO

ZOSIMO MAGURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with