^

Metro

Doktor, hospital staff na isnabero isumbong - Lim

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - “Isumbong sa aking tanggapan ang mga doctor at hospital staff na hindi tutugon sa pangangailangan ng mga pasyente.”

Ito naman ang panawagan ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga pasyente at publiko na hindi bibigyan ng anumang medical attention ng mga doctor at staff ng ospital kung saan sila nagpapagamot.

Ayon kay Lim, may mga naninira sa kanya kung saan ginagamit ang ospital para lamang sa kanilang political interest.

Payo ni Lim sa mga pasyente na kunin ang mga pangalan ng mga doctor o sinumang hospital staff upang agad na mabigyan ng karampatang parusa.

“Wait for the campaign period.  Ang hirap kasi sa iba, walang maipakitang nagawa kaya sinisiraan`yung mga may ginagawa,” anang alkalde.

Samantala, pinangunahan ni Lim ang inagurasyon ng ika-107 kalsada na inayos sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Sa pagsasaayos ng Arellano St . mula Vito Cruz hanggang Zobel Roxas St. makikinabang ang mga residente dito gayundin ang mga estudyante ng St. Scholastica’s College at De La Salle-College of Saint Benilde.

Sinabi ng alkalde na ang pagsasa-ayos ng mga kalsada ay indikasyon lang ng tamang pagbabayad ng buwis ng mga Manilenyo.

Dumalo din sa inagurasyon sina District 5 Councilor Josie Siscar at City Engr. Armando Andres.

ARELLANO ST

ARMANDO ANDRES

CITY ENGR

COUNCILOR JOSIE SISCAR

DE LA SALLE-COLLEGE OF SAINT BENILDE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

ST. SCHOLASTICA

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with