^

Metro

Mag-aaral, bawal pumasok sa computer rental shop

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bawal na ang pag­pasok ng mga mag-aaral sa elemen­tary at hayskul sa mga computer shops sa panahon na may pasok sa Quezon City.

Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert Bautista ang napagtibay na ordinansa kung saan ang mga mag-aaral na gagawa ng research at school work lamang ang papayagang pumasok mula alas-4 ng hapon at alas-11 ng gabi sa alinmang computer rental shops o Internet cafés tuwing may pasok sa eskuwelahan.

Nakasaad din sa bagong ordinansa na ang may-ari ng Internet cafés o computer rental shops ay dapat na tingnan ang IDs at class schedule ng mga mag-aaral upang matiyak na naipatutupad ang batas na ito.

Kasama rin sa ordinansa ang pagbabawal sa porno­graphy at on-line gambling sa mga Internet cafés o computer rental shops kung saan dapat na lagyan nang maayos na ilaw ang loob ng establisimiento para mamonitor ang mga tao sa loob nito.

Ang mga lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P2,000 hanggang P5,000 at posibleng pag­suspinde ng lisensiya o business permit ng computer shops.

BAWAL

COMPUTER

KASAMA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NAKASAAD

QUEZON CITY

SHOPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with