MANILA, Philippines - Hindi na nagising sa mahimbing na tulog ang dalawang lalaki matapos lamunin ng apoy sa naganap na sunog sa residential area sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.
Halos matusta ang mga biktimang sina Richard Gonzales, 40, at Boy Tizon, 49, kapwa naninirahan sa Raja Kalantiao, Brgy. Daang Hari sa naturang lungsod.
Isinugod naman sa Tondo Medical Center dahil sa natamong 3rd degree burns ang 50-anyos na si Lorenzo Fernandez.
Sa ulat ng Navotas Fire Department, dakong ala-1:27 ng madaling-araw nang unang sumiklab ang apoy kung saan mabilis na kumalat sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials. Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-3 na ng madaling-araw.
Inaalam pa ang pinagsimulan ng apoy habang sasagutin naman ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang pagpapalibing sa mga biktima habang magbibigay din ng tulong sa iba pang nasunugan