^

Metro

2 nilamon ng apoy

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na nagising sa mahimbing na tulog ang dalawang lalaki matapos lamunin ng apoy sa naganap na sunog sa residential area sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Halos matusta ang mga biktimang sina Richard Gonzales, 40, at Boy Tizon, 49, kapwa naninirahan sa Raja Kalantiao, Brgy. Daang Hari sa naturang lungsod.

Isinugod naman sa Tondo Medical Center dahil sa natamong 3rd degree burns ang 50-anyos na si Lorenzo Fernandez.

Sa ulat ng Navotas Fire Department, dakong ala-1:27 ng madaling-araw nang unang sumiklab ang apoy kung saan mabilis na kumalat sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials. Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-3 na ng madaling-araw.

Inaalam pa ang pinagsimulan ng apoy habang sasagutin naman­ ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang pagpa­palibing sa mga biktima habang magbibigay din ng tulong sa iba pang nasunugan

BOY TIZON

BRGY

DAANG HARI

LORENZO FERNANDEZ

NAVOTAS CITY

NAVOTAS FIRE DEPARTMENT

NAVOTAS MAYOR JOHN REY TIANGCO

RAJA KALANTIAO

RICHARD GONZALES

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with