MANILA, Philippines - Bagamat nag ban na ang MTRCB sa pagpapalabas ng anti-Islam film sa Pilipinas, itinuloy ni UP law professor Atty. Harry Roque ang paglalabas ng kontrobersyal na pelikulang “Innocence of Muslims” sa kanilang screening kahapon.
Sinabi ni Atty. Roque, may kalayaan siyang gawin ang pagpapalabas ng naturang pelikula sa kanyang mga estudyante dahil may academic freedom umano sila.
Binigyang diin ni Roque na dapat din anyang igalang ang freedom of expression na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas.
Sinabi nito na mahalagang manindigan ang bawat indibiduwal sa mga ganitong pagkakataon.
Si Roque ay director ng Institute of International Legal Studies sa UP Law Center sa Diliman, Quezon City.
Una rito, ipinagbawal ni UP College of Law dean Atty. Danilo Concepcion ang pagpapalabas ng naturang pelikula pero naituloy din ang viewing nito sa naturang paaralan.