^

Metro

Shootout: 2 holdaper utas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Hindi umubra ang tibay ng kargada ng dalawang holdaper na bitbit ay “teka-tekang baril” o paltik at replica­ ng baril sa mga baril­ ng mga tropa ng pulisya, ma­tapos na ang mga ito’y masawi sa engkwentro, ilang minuto makaraang holdapin nila ang isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Mario O. dela Vega ang mga nasawi na sina Sandy Boy Kadtong, 29, at Isagani Bayani, alyas Gani, 30.

Ayon kay Dela Vega, si Kadtong ay agad na nasawi sa engkwentro habang si Bayani ay nagawa pang maisugod sa ospital pero binawian din ng buhay.

Isa sa mga kasamahan ng mga ito ang nagawang makatakas.

Bukod sa mga nasawi, isang pasahero ng jeepney ang sugatan matapos saksakin ng isa sa mga suspect. Nakilala itong si Christian Ore, 24, call center agent.

Sinabi ni QCPD-Station 11 commander Supt. Nor­berto Babagay, si Kadtong ang may bitbit na paltik na baril habang si Bayani naman­ ang may dala ng repli­kang baril.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng E. Rodri­guez Blvd., corner BMA St., Brgy. Tatalon, ganap na alas- 8:45 ng gabi.

Bago ito, sumakay umano ang mga suspect sa pampasaherong jeepney (TCW-729) na tinatahak ang east-bound ng naturang lugar nang bigla na lamang itong magdeklara ng holdap.

Agad na tinutukan ng mga suspect ang mga pasahero saka nilimas ang mga dalang gamit ng mga ito.

Tiyempong nagpa­patrulya naman ang mga pulis sakay ng mobile QC-40 at napuna ang komosyon sa loob ng jeepney.

Ilang sandali ay nagsipagbabaan ang mga suspect sa jeepney at naglakad patungo sa E. Rodriguez Blvd., partikular sa harap ng Quezon Institute.

Sinundan ang mga ito ng mga awtoridad, pero nang mapuna sila ng mga suspect ay bigla silang pinaputukan nito, dahilan para gumanti ng putok ang mga una at mauwi sa engkwentro.

BAYANI

CHRISTIAN ORE

DELA VEGA

DIRECTOR CHIEF SUPT

ISAGANI BAYANI

KADTONG

MARIO O

QUEZON INSTITUTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with