Pugot na bangkay, natagpuan

MANILA,Philippines - Isang naaagnas na bangkay ng lalaki na pugot ang ulo ang natagpuan sa isang creek sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa ulat, ang bangkay ng lalaki ay nadiskubre sa may creek sa Lower Sampaguita, Brgy. Payatas A sa lungsod, ganap na alas-10 ng umaga.

Isang Juvenal Ferrer, ang unang nakakita sa bangkay. Ayon dito, nagulat na lang siya nang mapuna ang palutang-lutang na bangkay ng tao, at lalo siyang natakot ng makitang wala itong ulo at nakagapos ang kamay gamit ang packaging tape.

Walang pagkakakilanlan ang biktima maliban sa tattoo na “Jean” sa kanyang likuran.

Show comments