Sa pangingikil ng P1-m sa balikbayan MPD Colonel, 10 pakinasuhan na ng kidnapping with extortion
MANILA,Philippines - Sinampahan na ng kasong kidnapping with extortion sa Manila Prosecutors office ang isang police colonel at 10 pang pulis na isinasangkot sa pangingikil ng P1 milyon sa isang balikbayang Fil-Canadian.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Supt. Rolando Balasabas, chief ng Station 4 ng MPD at sina SPO3 Sonny Nasidal ng Police Special Protection Group sa Camp Crame, mga tauhan ni Balasabas na sina SPO1 Renato Gregorio,PO3 Mike Pornillos, PO2 Josefino Callera, PO2 Rolando Ladres, PO2 Dennis Tabliso, PO2 Ryan Malacad, PO2 Lawrence Sagum, PO1 Joseph Ustan at PO1 Joy Asayo.
Bukod dito, ipinag-utos ni MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez ang pagsibak kina Balasabas at mga tauhan nito matapos na ireklamo ng biktimang si Belinda Placido, tubong Zambales na nangikil sa kanya ng isang milyong piso.
Sinasabing inaresto ng mga pulis ang biktima sa Zambales at dinala sa Station 4 ng MPD na doon inakusahan ang biktima na sangkot sa tangkang pagpatay sa anak ni Nasidal. Si Nasidal ay inamin ni Placido na kanyang nobyo at nagsisilbing kanyang bodyguard.
Para umano mawala ang kaso ay pinagbayad siya ng isang milyong piso na kaya lamang siya pinakawalan ay nang maibigay niya ang nasabing halaga.
Hiningan pa umano siya ng halagang sampung libong piso bilang bayad sa napudpod umano na gulong ng sasakyan ng mga pulis sa isinagawang pagbiyahe sa Zambales.
Nauna nang sumuko sa MPD-General Assignment Section (GAS) si Vistan upang magbigay ng panig hinggil sa akusasyon.
- Latest
- Trending