"Innocence of Muslims", ban sa Pinas - MTRCB

MANILA,Philippines - Iba-ban ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpa­­pa­labas sa mga telebisyon at sinehan sa Pilipinas ng kontrobersiyal na amateur film na “In­nocence of Muslims” sa gitna nang malawakang protesta laban dito.

Sinabi ni MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares na hindi umano kaaya-aya at di makabubuti sa publiko ang nasabing pelikula para mabigyan ng public exhibition permit.

Binigyang-diin nito na mayroon umanong “tendency” ang nasa­bing pelikula para mag-udyok­ ng kaguluhan, kung kaya’t hindi pa­payagan ng ahensiya na ma­isapubliko at ma­ipalabas ito sa mga sinehan.

Kaugnay nito, aminado naman si Llamanzares na walang ngipin ang ahensiya para i-block ang pagpapalabas nito sa video-sharing site na YouTube dahil walang hurisdiksyon ang MTRCB sa Internet.

Show comments