"Innocence of Muslims", ban sa Pinas - MTRCB
MANILA,Philippines - Iba-ban ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas sa mga telebisyon at sinehan sa Pilipinas ng kontrobersiyal na amateur film na “Innocence of Muslims” sa gitna nang malawakang protesta laban dito.
Sinabi ni MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares na hindi umano kaaya-aya at di makabubuti sa publiko ang nasabing pelikula para mabigyan ng public exhibition permit.
Binigyang-diin nito na mayroon umanong “tendency” ang nasabing pelikula para mag-udyok ng kaguluhan, kung kaya’t hindi papayagan ng ahensiya na maisapubliko at maipalabas ito sa mga sinehan.
Kaugnay nito, aminado naman si Llamanzares na walang ngipin ang ahensiya para i-block ang pagpapalabas nito sa video-sharing site na YouTube dahil walang hurisdiksyon ang MTRCB sa Internet.
- Latest
- Trending