Tinamaan ng dengue sa Quezon City, umakyat na sa 7,163
MANILA, Philippines – Umakyat na sa 7,163 katao ang nagkasakit ng dengue sa Quezon City simula Enero hanggang unang linggo ng Setyembre 2012.
Ayon kay QC Health Officer Antonieta Inumerable, bagama’t mas mataas ang kaso ng nagka-dengue ngayong taon kaysa sa ganoon ding period ng nagdaang 2011 na may 6,266 ay mas mababa naman ang bilang ng nasawi ngayong 2012 na umaabot lamang sa 31 kumpara sa nakaraang taon na may 46 ang namatay.
Sinabi ni Inumerable na ang mababang mortality rate sa mga namatay sa dengue ay bunga ng patuloy na information drive para paalalahanan ang publiko kung paano maiiwasan ang sakit.
Binigyang diin ni Inumerable na walang magiging kaso ng dengue sa QC kung malinis lamang sa paligid at katawan ang mga residente dito at susunod sa mga paalala ng city government para maiwasan ang sakit.
- Latest
- Trending