^

Metro

PLM prexy pinuri sa 100% pumasa sa medical board exam

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pinuri ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pa­ma­malakad ni Atty. Rafaelito Garayblas sa Paman­tasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos na 100 porsiyento ng mga nagsipagtapos sa College of Medicine 2011 ang pumasa sa isinagawang medical board exam at ma­nguna sa physical therapy licensure board examination.                                                                                                      

Ayon kay Lim, ang galing­ ng mga estudyante ay in­dikasyon lamang nang maayos at magandang pamamalakad at sistema ni Garayblas sa PLM. Si Garayblas din ay kasalukuyang secretary to the mayor ni Lim.

“He (Garayblas) works silently­, masyadong ma­hiyain ito.  He is not assertive pero alam mong napakasipag niya, kahit natutulog na ako, alam kong ginagawa niya nang mabuti ang tra­baho niya. That’s why nobody can question him when it comes to work, integrity and ethics,” ani Lim.

Buong pagmamalaki at kaligayahan ang nararamdaman ng alkalde matapos na lumabas na ang PLM ay nasa ikalimang puwesto sa hanay ng mga medical schools sa bansa.                                                                  

Sinabi naman ni Garayblas, 100 porsiyento ng ku­muha ng board exam ay nakapasa samantalang 71 sa 73  na kumuha naman ng physical therapy licensure exam ang nakapasa.

Pinangunahan ito nina Camille Catchillar at Irish Bianca Gonzales (Top 1, 84.55%); Ma. Andrea Raymundo (Top 3, 84.20%); Regine del Rosario (Top 4, 84%); Wilbert Guinto Valla­dores (Top 7, 83.80%); Arianne­ Alcala (Top 8, 83.73%) at Michael Nicholai Sangco (Top 9, 83.60%).                       

“Karamihan ng enrolled sa PLM ay scholars at honor graduates from Manila’s 32 public high schools. Kaya ang PLM ay lumalaban nang sabayan sa UST at UP lalo na sa College of Medicine.  Maganda rin ang resulta ng mga graduates sa College of Medicine natin sa PLM, kaya carry on and keep the PLM flag flying,” dagdag pa ni alkalde Lim.

Isa lamang ang PLM sa mga kolehiyo sa lungsod na libre ang matrikula sa mga mahihirap at maga­galing na estudyante.

ANDREA RAYMUNDO

CAMILLE CATCHILLAR

COLLEGE OF MEDICINE

GARAYBLAS

IRISH BIANCA GONZALES

MANILA MAYOR ALFREDO S

MICHAEL NICHOLAI SANGCO

PLM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with