^

Metro

Mister naaburido, nagbigti

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Posibleng aburido sa kalagayan sa buhay kaya nagawang magbigti ng isang 28-anyos na mister sa loob ng kaniyang bahay sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang nasawi na si Anthony Cardines, ng Nickel St., San Andres, Bukid.

Nabatid na bukod sa kakapusan sa pera, problema din ng biktima ang palagian pagbaha sa loob ng bahay na halos barung-barong lamang, kahit sa sandaling pag-ulan lamang.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling -araw nang tumambad sa kinakasama ng nasawi ang nakabiting biktima. Wala rin umanong kuryente ang bahay ng biktima na walang kakayahang magpakabit ng kuryente. Aburido umano ang biktima dahil sa kahirapan ng buhay dahil pamumulot lang ng basurang maibebenta ang pinagkakakitaan para ibuhay sa pamilya.

Nabatid na habang malakas ang pagbuhos ng ulan, pinalipat umano ng biktima ang kaniyang live-in partner at anak sa kapitbahay upang makitulog dahil binabaha sila. Nang balikan ng ka-live-in ang biktima ay nakabigti na ito sa nylon cord.

ABURIDO

BIKTIMA

BUKID

KINILALA

MAYNILA

NABATID

NICKEL ST.

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with