Barker tigok sa tarak

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na barker ang namatay matapos umanong saksakin ng kaniyang nakaalitan sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Alvin Bantay, ng Baseco Compound, Binondo , Maynila sanhi ng tinamong saksak sa katawan. Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa salarin.

Dakong alas- 5:30 ng umaga ng makita na lamang na duguan at nakahandusay ang bangkay ng biktima sa panulukan ng Ilaya at . Recto Sts., Binondo, Maynila.

Bago ang insidente, ang biktima ay nakita pang may mga kasamang lalaki habang sumisinghot umano ng solvent na nakasilid sa plastic at nakikipagtalo sa isang lalaki at hindi nagtagal ay tumatakbo umano itong hawak ang dibdib.

Nang makalipas ang ilang oras, nadiskubre na lamang na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Show comments