^

Metro

2 holdaper, timbog

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadakip sa follow-up opera­tion ng Pasay City Police ang dalawang kilabot na holdaper na nambiktima at itinuturong dahilan ng pagkasawi sa isang empleyado ng Pasay Health Office kamakailan.

Kinilala ang mga naaresto na sina Leo Navarra, alyas Leo, 28, miyembro ng Sputnik Gang; at Robert Espidion, alyas Tata, 32, miyembro naman ng Batang City Jail at kapwa residente ng Brgy. Sto. Niño, ng naturang lungsod.

Ang dalawa ay sinasabing responsable sa panghoholdap kay Restituto Cruz, 41, nurse at tauhan ng Pasay City Health Office. Sa ulat ng pulisya, nabatid na sakay ang biktima ng isang pampasaherong jeep sa may EDSA-Malibay patungo sa Makati City dakong alas-8:30 ng gabi noong nakaraang Biyernes nang holdapin ng dalawang suspect.

Nagawa pang makapiglas at makatakbo ang biktima ngunit nadapa ito sa kalsada kung saan nabagok ang ulo. Agad namang sinaklolohan ng mga taong nakasaksi ang biktima at isinugod sa Pasay City General Hospital ngunit nalagutan din ng hininga makaraan ang apat na araw nitong Setyembre 11.

Itinuro naman ng isang saksi ang mga suspek sa police photo gallery kaya agad nagsagawa ng manhunt ope­ration ang Pasay Police na naging dahilan sa pagkakadakip ng dalawang suspek. Nabatid na isa pang kasabwat ng mga ito ang patuloy na nakakalaya at target ng manhunt ng pulisya.

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

LEO NAVARRA

MAKATI CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY HEALTH OFFICE

PASAY CITY POLICE

PASAY HEALTH OFFICE

PASAY POLICE

RESTITUTO CRUZ

ROBERT ESPIDION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with