^

Metro

Lim sa publiko: Tumulong sa paglutas ng krimen

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Dahil sa paglaganap ng krimen sa Metro Manila, umapela si Manila Mayor Alfredo Lim sa publiko na tumulong sa pag­lutas ng krimen at ireport sa mga awtoridad ang suspect na responsable sa iba’t ibang krimen.

Sa kanyang pagsasalita sa pagdiriwang ng Crime Pre­vention Week sa San Andres Gymnasium, sinabi ni Lim na wala namang ibang makatutulong sa paglutas ng krimen kundi mismo ang mamamayang nabibiktima.

Ayon kay Lim, bagama’t responsibilidad ng kapulisan na lutasin ang mga krimen, dapat ding magkaroon ng partisipasyon ang mga sibilyan sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan at kanilang nasaksihang krimen.

“Unang una, kulang tayo sa mga modern at sophisticated criminal laboratory equipments. Para ma-solve ang isang kaso, kinakailangan natin ang impormasyon, kailangan may mag-tip na nakakaalam sa kaso at i-inform nila ang ating kapulisan. Manggagaling ang mga impormasyon sa inyong mga mamamayan, dahil ang mga pulis, kahit gaano pa sila kagaling, hindi naman pwedeng manghula ang mga ’yan,” ani Lim.

AYON

CRIME PRE

DAHIL

KRIMEN

MANGGAGALING

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

METRO MANILA

SAN ANDRES GYMNASIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with