^

Metro

P1-M limas ng Dugo-Dugo Gang sa Usec. ng DSWD

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aabot sa P1 mil­yong halaga ng alahas at titulo ng lupain ang tinangay ng Dugo-Dugo Gang matapos mabiktima ang maid ng undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ni SPO4 Ding Pascua, hepe ng Investigation Division ng Quezon City PNP ang biktima na si Parisya  Hashim-Taradji, 61, may-asawa, Undersecretary ng DSWD at nakatira sa Mapayapa Village 2 sa Barangay Holy Spirit sa nasabing lungsod.

Natangay sa biktima ang portable vault na naglalaman ng mga alahas, pasaporte ng mag-asawang Taradji, dalawang titulo ng lupa, ilang rehistro at iba pang dokumento ng kanilang dalawang sasakyan.

Samantala, inilagay sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang kasambahay na si Sheryl Balena, 20, tubong Antique.

Sa imbestigasyon ni PO2 George Caculba, nadiskubre ang pagkawala ng mga alahas at iba pang dokumento matapos dumating ang mag-asawang Taradji sa kanilang bahay at maging ang kanilang kasambahay ay nawawala.

Habang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa bahay ng mag-asawa ay dumating naman ang kasambahay at sinabing nabiktima siya ng Dugo-Dugo Gang.

Kuwento ni Balena, bago ang insidente, nakatanggap umano siya ng tawag sa telepono buhat sa isang lalaki na nagsabing ang kanyang amo ay nasangkot sa vehicular accident at nanga­ngailangan ng malaking halaga.

Nagawa umanong makabalik ng kasambahay dahil sa tinawagan ito ng kanyang amo sa cellphone kung saan sinabi nitong siya ay nasa Puregold at pinabalik ng bahay.(Ricky Tulipat)

BARANGAY HOLY SPIRIT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DING PASCUA

DUGO-DUGO GANG

GEORGE CACULBA

INVESTIGATION DIVISION

MAPAYAPA VILLAGE

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with