MANILA, Philippines - Napatay ang 54-anyos na mister matapos itong mapagtripang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bahagi ng Lakandula Street sa Barangay Sta. Lucia, Quezon City kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Roberto Navasa, may-asawa, ng #6 Marco Polo Street sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ni SPO2 Eric Lazo, huling namataang buhay ang biktima na nakatayo sa harap ng Lady Allen Taxi terminal kung saan nagpasya itong maglakad papalayo.
Dito sinundan ang biktima ng dalawang lalaki bago isinagawa ang pamamaril.
Bagama’t sugatan, nagawa pang makatakbo ng biktima pero bumuwal din ito dahil sa matinding tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng katawan.
Isinugod sa Quezon City General Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital subalit idineklarang patay ang biktima