^

Metro

Sa nawalang sanggol, Sta. Teresita Hospital posibleng matanggalan ng lisensiya

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na matanggalan ng lisensya at maipasara ang Sta. Teresita General Hospital sa sandaling mapatunayan na nagpabaya ito kaya naipuslit ang bagong silang na sanggol na si Baby Sean Gabriel delos Santos.

Ito ang sinabi ni Dr. Nicholas Lutero ng Legal Department ng DOH, kung saan uumpisa­han na nila ang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Ayon kay Lutero, kung napatunayan aniya na nagkaroon na ng kahalintulad na insidente noong mga nakalipas na taon ay posibleng hindi na nila payagang makapag-renew pa ng kanilang permit ang nasabing ospital.

Tiniyak naman ni Lutero na kanilang mamadaliin ang gagawing imbestigasyon.

Una nang nagpasaklolo sa mga pulis ang nanay ng sanggol na si Ces delos Santos kung saan sinabi nito na noong Martes, isang babae na nakasuot ng gown ng katulad ng sa isang doktor ang pumunta sa kanilang kwarto at sinabi na kailangang dalhin ang kanyang bagong silang na sanggol sa ibaba para sa newborn screening.

Sa pag-aakala aniya na isang tunay na doktor ito, ibinigay niya ang kanyang sanggol.

Nagkabukingan na lamang na nawawala ang sanggol nang makalipas ang tatlumpung minuto, isang nurse ang nagtungo sa kwarto ni Delos Santos para kunin sana ang bata para paliguan.

AYON

BABY SEAN GABRIEL

DELOS SANTOS

DR. NICHOLAS LUTERO

LEGAL DEPARTMENT

LUTERO

MALAKI

NAGKABUKINGAN

TERESITA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with