^

Metro

Janelle Manahan,nagpasaklolo sa SC

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakatakdang umapela ngayon sa Department of Justice (DOJ) ang kampo ni Janelle Manahan upang harangin ang inilabas na resolusyon ng Parañaque City Pro­secutor’s Office na nagpapawalang-sala kina Gail Bautista at mister na si Hiro Furu­yama sa pagpaslang sa ka­sintahang si Ramgen Revilla.

Sinabi ni Atty. Argee Guevarra, isa sa mga abogado ni Manahan, hinihintay pa nila ang opisyal na kopya ng resolusyon mula sa piskalya dahil sa wala pa silang natatangap mula nang magpalabas ng resolusyon si Parañaque State Prosecutor Lamberto Fabros.

Naniniwala sila na mababaligtad umano ng Korte Suprema ang desisyon ng piskalya dahil sa malakas naman ang kanilang ebidensya na magdidiin sa mag-asawa makaraang ituro nina Michael Jay Nartea at Fracis Tolisora na siyang kumontak sa kanila para ipapaslang si Ramgen.

Ibinasura ng piskalya ang kaso laban kina Gail at Hiro kamakalawa na isinampa ni Janelle matapos ang ginawang pagpatay sa kanyang nobyo at ikinasugat nito na naganap sa BF Homes ng nasabing lungsod noong Oktubre 28, 2011.

Sa anim na pahinang re­solusyon ni State Pro­secutor Lamberto Fabros ng Parañaque Prosecutor’s Office, wala umanong sapat na ebidensiya na magtuturo sa mag-asawang Furuyama upang isangkot sila sa kasong pagpatay kay Ramgen at ikina­sugat ni Manahan.

Nakasaad pa sa resolus­yon na sa opinyon ng taga-usig, wala silang makitang dahilan upang isangkot sa nangyaring krimen ang mag-asawa. (

ARGEE GUEVARRA

CITY PRO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRACIS TOLISORA

GAIL BAUTISTA

HIRO FURU

JANELLE MANAHAN

KORTE SUPREMA

LAMBERTO FABROS

MANAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with