^

Metro

Babaeng nagpanggap na doktor at tumangay sa sanggol tugis

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Tugis na ng mga awtoridad ang isang babae na nagkunwaring doktor para madukot ang isang bagong silang na sanggol sa isang ospital sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang pagtugis ay gagawin ng tropa ni QCPD director Chief Superintendent Mario dela Vega, makaraang ma­ilabas ang artist sketch ng nasabing babae na inilarawan sa edad na 30 pataas, may taas na 5’5’’ at morena.

Ayon kay Maria Cecilia delos Santos, ang babaeng suspect ay nakasuot ng uniporme ng doktor nang lapitan siya sa OB ward ng Sta. Teresita Hospital ganap na alas-4 ng madaling-araw nitong Martes.

Nagkunwari umanong doktora ang suspect at sinabihan si Delos Santos, na kukunin ang bata para sa ga­gawing newborn screening.

Ilang sandali, dumating ang isang hospital staff para kunin ang sanggol para pa­liguan kung saan nalaman ng naturang nanay na ang kumuhang babaeng nakasuot na doktor sa kanyang anak ay hindi kabilang sa staff ng ospital

Sabi ni Dela Vega, ma­aaring bihasa sa naturang modus ang babae dahil alam nito ang procedures sa ospital kung saan siya nagkunwaring isang doktor.

AYON

CHIEF SUPERINTENDENT MARIO

DELA VEGA

DELOS SANTOS

ILANG

MARIA CECILIA

NAGKUNWARI

QUEZON

SABI

TERESITA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with