^

Metro

Binaril at 10 beses sinaksak Ex-Pasay police nilooban, pinatay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Isang pulis Pasay ang natagpuang bangkay na may tama ng bala sa ulo at 10 saksak sa buong katawan sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO2 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso, ang bangkay ni Virgilio Pesquisa, 55, traffic police sa Pasay, ay natuklasan ng kanyang anak na si Pancho, 21, makaraang puntahan ito sa tinutuluyan bahay sa #10 Kamia St., DRJ Subd. Brgy. Sauyo, Novaliches, ganap na alas-8 ng umaga. 1993 pa AWOL si Pesquisa.

Dagdag ni Jimena, bago natagpuan ang biktima, nakatanggap umano ng tawag ang pamilya ng biktima mula sa Mexico Police sa Pampanga at ipinabatid ang pagkakatagpo sa kanilang lugar ng isang sasakyang Hyundai Accent na nakarehistro sa pangalan nito. May bahid umano ng dugo ang sa­sakyan nang ma­tagpuan sa isang lugar dito.

Dahil dito, agad na pinuntahan ni Pancho ang lugar para tingnan ang sasakyan hanggang sa makumpirma ang kotse na pag-aari ng kanyang tatay.

Ipinasya ni Pancho na puntahan ang tinutuluyang bahay ng kanyang ama kung saan bumulaga sa kanya ang bangkay nito habang nakadapa at naliligo sa sarili nitong dugo.

Sinabi ni Jimena, may mga tama ng bala sa ulo at tinatayang aabot sa 10 saksak ang itinarak sa biktima na siyang ikinamatay nito. May bakas din aniya ng pamamalo sa katawan ng biktima na ginamitan ng dumbbell. 

Nagkalat din ang mga ka­gamitan ng biktima na indikasyon na nilooban ito ng mga hindi pa matukoy na mga suspect. 

Nabatid na mag-isang nanunuluyan ang biktima sa nasabing bahay para tingnan ang pagsasaayos nito, ga­yundin para umasiste sa mga trahabador dito. Gagawin umanong paupahan ng biktima ang naturang bahay. 

Pinaniniwalaan ding da­lawang araw nang patay ang biktima bago ito natagpuan kahapon.

Sa kasalukuyan, pangunahing suspect ang dalawang lalaking katulong ng biktima na hindi na mahagilap ma­tapos ang insidente.

vuukle comment

BIKTIMA

HYUNDAI ACCENT

JAIME JIMENA

JIMENA

KAMIA ST.

MEXICO POLICE

PANCHO

PASAY

VIRGILIO PESQUISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with