^

Metro

Lola ninakawan na, pinatay pa

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 92-anyos na lola ang tinadtad ng saksak sa katawan ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Isinugod pa sa St. Luke’s Medical Center sa Global City Taguig ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang si Victorina Gonzales, balo, at naninirahan sa Anahaw St., Brgy. Comembo, Makati. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng saksak sa dibdib at leeg.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Makati City Police, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-8 kamakalawa ng gabi ng kanyang kapatid na si Roberta Adajar.

Agad na humingi ito ng saklolo sa apo na si Richard Michael Yabut na nagdala sa biktima sa pagamutan.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa loob ng kuwarto nito.

Wala naman umanong napansin at narinig na kakaiba ang mga kasamahan sa bahay hanggang sa madiskubre ang duguang bangkay ng biktima dahil sa dugong umagos buhat sa kuwarto nito.

Nabatid na magulong-magulo rin ang loob ng kuwarto ng biktima na halatang hina­lughog ng hindi pa nakikilalang sa­larin habang ilang alahas at personal na gamit rin nito ang nawawala.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

ANAHAW ST.

BIKTIMA

GLOBAL CITY TAGUIG

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MEDICAL CENTER

RICHARD MICHAEL YABUT

ROBERTA ADAJAR

ST. LUKE

VICTORINA GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with