^

Metro

Malabon Mayor Tito Oreta, pumanaw na

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sumakabilang buhay na si Malabon City Mayor Tito Oreta kahapon dahil sa sakit na cancer sa baga.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang bawian ng buhay si Oreta sa St. Luke’s Medical Center sa gulang na 73-anyos

Nabatid na ilang taon ding nakipaglaban sa cancer­ sa baga ang nabanggit na alkalde, kung saan ilang beses na ring umugong ang mga maling balita na ito ay pumanaw na.

Ngunit kahapon ay kinum­pirma ng mga kaanak nito at ng buong pamunuan ng Malabon City Hall Office lalo na ng Office of the Mayor na pumanaw na ang alkalde matapos ang ilang buwang pagkaratay sa nabanggit na ospital. Habang ito ay nasa pagamutan ay panasamantalang nag-acting mayor ang pamangkin nitong si Vice Mayor Lenlen Oreta.

Napag-alaman, na si Oreta rin ang naging dahilan upang magkasundo ang mga magkakalaban sa pulitika sa nabanggit na lungsod kung saan dalawang sunod na wa­lang lumaban dito.

DAKONG

HABANG

MALABON CITY HALL OFFICE

MALABON CITY MAYOR TITO ORETA

MEDICAL CENTER

NABATID

OFFICE OF THE MAYOR

ORETA

ST. LUKE

VICE MAYOR LENLEN ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with